Mga Kuwento ng Tagumpay

Julia and Boris K., Russia & Ukraine

Kung nais mong makipagsabayan kay Julia Krymoff na isang Promoter ng QuiAri, kailangan mo ng maraming lakas. Orihinal na mula sa Perm, Russia, si Julia ay ipinanganak na likas ang kasipagan. Sa gulang na 22 taon lamang, nagtapos siya ng abogasya na may karangalan at agad na nakakuha ng isang mahusay na trabaho sa isang bangkong internasyonal. Pagkatapos ng 6 na buwan sa mundo ng korporasyon, napagtanto ni Julia na nais niya ang higit pa sa buhay. Ang nakakasawang araw-araw na pagtatrabaho mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon ay hindi talaga para sa kanya. Isang kaibigan ang nagpakilala sa kanya sa industriya ng network marketing. Agad niyang naibigan ang negosyo - at nagkataon din na umibig siya sa kanyang Sponsor na si Boris, na mula sa Ukraine.

"Kami ni Boris ay gumugol ng 10 taon sa pagtatayo ng mga team sa buong Russia at Ukraine. Kami ay 22 taong gulang lamang sa panahong iyon at naglalakbay sa buong mundo, kumikita ng pera, at tumutulong sa mga tao. Marami kaming negosyo sa Estados Unidos at nagpasyang lumipat sa Florida. Ngayon, 20 taon na ang lumipas, hindi na namin maiisip na mapabilang pa sa kung saan. Inakay kami nito sa pinakamalaking pagkakataon sa buong industriya ng MLM - QuiAri,” pagsasaad ng Promoter na si Julia Krymoff.

Ang pagkakataon ny QuiAri ay dumating kay Julia sa tamang oras. Nagpahinga siya sandali mula sa industriya ng MLM nang magpasya sila ni Boris na magkaanak. Nang handa na si Julia na muling pasukin ang pagtatrabaho, ipinakilala sa kanila nina Promoter Minh at Julie Ho ang isang pagkakataon sa buhay.

"Nang sinabi sa amin ni Minh na si Bob Reina ang Tagapagtatag at CEO, nag-sign up kaagad kami sa paunang paglunsad. Kung mayroong isang tao na may kadalubhasaan at mapagkukunan upang bumuo ng isang bilyon-bilyong-dolyar na brand, ito ay si Bob. Naghahanap ako ng isang paraan upang magbawas ng timbang pagkatapos manganak, kaya natural na nagka-interes ako sa mga produkto. Ang QuiAri Shake at Energy talaga ang akma sa pangangailangan ko. Hindi lamang ako nabawasan ng timbang, pinagmukha at pinaramdam ng mga produktong ito na mas bata ako nang 10 taon. Patuloy na tinawag ako ni Boris na Energizer Bunny - palagi akong aktibo,” sabi ni Julia Krymoff.

Si Julia ay isang masugid na gumagamit ng social media at ginagamit niya ang lahat ng mga pinakatanyag na platform upang matulungan ang pagbuo ng kanyang network. Regular siyang nagpo-post ng nilalaman tungkol sa kanyang QuiAri na negosyo sa mga sikat na platform tulad ng TikTok, Instagram, at Twitter.

"Nauunawaan ng aming Tagapagtatag at CEO na si Bob Reina ang kapangyarihan ng social media at hinihikayat ang lahat na alamin kung paano ito gamitin upang mabuo ang kanilang network. Para sa amin ni Boris, binuksan nito ang napakaraming mga pagkakataon para makapag-promote kami sa ibang mga bansa. Nakikipag-ugnayan ako sa mga kaibigan ng mga kaibigan at tinutulungan silang mapabuti ang kanilang buhay. Kahit na hindi kami nagsasalita ng parehong wika, ang QuiAri ay may mga mapagkukunan, tulad ng mga materyal sa marketing at live na presentasyon na isinalin sa 6 na magkakaibang wika, na ginagawang posible ang pagpapasa nito sa iba't ibang kultura,” sabi ni Julia Krymoff.

Ang kanilang panghuling layunin ay upang matulungan ang QuiAri na maging pinakamatagumpay na kumpanya sa kasaysayan ng MLM at maging nangunguna sa kita sa kumpanya.

"Mas maraming tagumpay na mayroon tayo, mas maraming mga pagkakataong may maibibigay tayo para sa ating mga anak. Hindi na ako makapaghintay na makita kung gaano kalaki ang QuiAri pagdating ng panahon na sila ay matatanda na. Sinong nakaka-alam? Siguro magiging mga Promoter ng QuiAri din sila at mase-seguro ang kinabukasan para sa aming mga apo,” sabi ni Julia Krymoff.

Pakitandaan na nagbibigay ng walang limitasyong potensyal na kumita ang oportunidad sa negosyo ng QuiAri. Gayunpaman, hindi ginagarantiya ng QuiAri ang pinansyal na tagumpay. Ang tagumpay sa QuiAri ay nagreresulta lamang mula sa mga matagumpay na pagsisikap sa pagbenta, na nangangailangan ng pagsisikap sa trabaho, sipag, kakayahan, tiyaga, kagalingan, at pamumuno. Nakasalalay ang iyong kita sa kung gaano kahusay mo ginagamit ang mga katangiang ito.

Impormasyon sa Pakikipag-ugnay

  • +1 813-413-8120
  • +1 813-413-8139
  • Mga Oras Lunes – Biyernes
  • 9 am - 5 pm Eastern

May katanungan?

© 2021 QuiAri. Nakalaan ang lahat ng mga karapatan.